2 Pinoy mangingisda na-aksidente sa Scarborough; rescue ng PCG ginulo ng China!

Sugatan ang dalawang Filipinong mangingisda matapos sumabog ang makina ng sinasakyang bangka malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Sugatan ang dalawang Filipinong mangingisda matapos sumabog ang makina ng sinasakyang bangka malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard, nangyari ang insidente 3:00 ng umaga kahapon, Hulyo 29.

Nagtamo ng second degree burn ang dalawang mangingisda.

Kasabay nito, sinabi nimg PCG na may dalawang China Coast Guard ang namataan malapit sa insidente.

Tinangka pa ng China Coast Guard na pigilan ang PCG sa pagsasagawa ng rescue operation kahit na nag-abiso na.

Sinabi naman ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na tinukoy pa rin nila ang rescue operations at binigyan ng medical attention ang mga sugatang mangingisda.

Ayon kay Balilo, base sa salaysay ng Kapitan ng BRP Sindangan (MRRV-4407), sumabog ang bangka dahil faulty battery starter motor.

Dinala na ang mga mangingisda sa Subic Bay, Zambales.