2 pinaghihinalaang NPA member, nadakip sa Sorsogon

Tiklo ang dalawa kataong pinaghihinalaang miyembro ng New People's Army (NPA) sa Sorsogon nang mahuli sa aktong nangingikil ng isang opisyal ng barangay.

Tiklo ang dalawa kataong pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sorsogon nang mahuli sa aktong nangingikil ng isang opisyal ng barangay.

Ayon sa ulat ngayong Lunes, kinilala ang mga suspek bilang sina alyas “Esteve,” 25 anyos at alyas “Leny”, 45 anyos.

Isang entrapment operasyon umano ang isinagawa ng pulisya upang mahuli sa akto ang dalawang suspek. Nakumpiska sa kanila ang P1,000 at ang P19,000 na marked money.

Dinala sina Esteve at Leny sa Sorsogon City Police Station, ayon kay Lt. Col. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office sa naturang lugar.

“The unit continues its determined efforts to counter the activities of the New People’s Army. PRO5 Regional Director Brig. Gen. Andre P. Dizon is closely collaborating with partner agencies and local government authorities to uphold peace and order in the region effectively,” pahayag ni Calubaquib.