2 pang crew ng True Confidence, nasa ‘Pinas na

Nakauwi na ng Pilipinas ngayong Huwebes ang dalawa pang Pilipinong crew ng barkong True Confidence, na inatake ng mga rebeldeng Houthi sa Yemen noong Marso 6.

Nakauwi na ng Pilipinas ngayong Huwebes ang dalawa pang Pilipinong crew ng barkong True Confidence, na inatake ng mga rebeldeng Houthi sa Yemen noong Marso 6.

Ang dalawang crew ay sugatan sa naturang missile attack ng mga rebelde. Ayon naman sa Department of Migrant Workers (DMW), pinayagan nang bumyahe ang dalawa.

“They arrived via a chartered medical evacuation flight at 6:45 this morning — March 14, 2024. The two were received by a medical team and taken to hospital where they will continue their recovery. They have also been reunited with their families in hospital,” saad sa pahayag ng ahensya.

Hindi na naglabas pa ng detalye ang DMW tungkol sa kalagayan ng dalawang Pinoy, dahil nais umano ng mga pamilya nila na maging pribado ang kanilang pinagdaanan.

Labin-limang Pilipino ang sakay ng True Confidence, kung saan dalawa ang napatay sa pag-atake ng mga Houthi. Hanggang ngayon ay hindi pa nakukuha ang bangkay ng mga ito sa naturang barko dahil na rin sa nakaambang panganib.