2 opisyal ng NPA, patay sa engkwentro sa Daraga

Sangkot diumano ang mga rebelde sa pagpatay sa dalawang sundalo noong Pebrero.

ALBAY- Patay ang dalawang (2) high ranking officials ng New Peoples Army (NPA) matapos na makipagpalitan ng putok sa mga pulis ng Daraga na nakabase sa Daraga Police Assistance Center sa Brgy. Bascaran mag-a-alas-5:00 ng hapon nitong Martes, October 3, 2023.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, lider ng SRC3, Platoon 3 ng BRPC ang dalawang suspek na kinilalang sila Allan Balde Leron, 30-anyos at Rizaldy Perdigon ng Rebolusyonaryong Buwis sa kaaway na Uri (RBKU Albay) at aktibong miyembro ng SRC3, Platoon 3 ng BRPC.

Nabatid din na ang mga napatay sa engkwentro ay ang mga nasa likod din ng pagpatay sa dalawang sundalo sa Cotmon, Camalig, Albay nitong Pebrero 2023.

Ilan sa mga narekober ay ang dalawang pistola at isang long firearm na sinasabi ring mga ginamit na armas ng mga suspek.