2 ‘most wanted’ sa Palawan nakalawit!

Arestado ang dalawang indibidwal na kinikilala bilang most wanted persons (MWP) sa Palawan, ayon sa Police Regional Office 4B (Mimaropa).

Arestado ang dalawang indibidwal na kinikilala bilang most wanted persons (MWP) sa Palawan, ayon sa Police Regional Office 4B (Mimaropa).

Sinabi ni PRO 4B director Brig. Gen. Roger Quesada, nagsagawa sila ng operasyon kung saan nadakip MWP na si alyas “Joseph.”

Si Joseph ay ang number 1 most wanted sa sa naturang lugar ara sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nadakip din sa operasyon si alyas “Mark Angelo,” ang ika-9 na most wanted sa Narra town, sa Barangay Luzviminda, Puerto Princesa City.

Nahaharap naman si Mark Angelo sa kasong pagnanakaw, na may pyansa ng P48,000.

Samantala, itu-turn over na ang mga suspek sa Korte upang harapin ang kanilang kaso.