2 most wanted sa Bicol nadakip ng CIDG

Nakorner ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang kasama sa most wanted persons list sa Bicol.

Nakorner ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang kasama sa most wanted persons list sa Bicol.

Ang dalawang suspek ay sangkot sa pagpaslang kina Gilbert at Glen Quizon, na matatandaang nahukay ang mga labi sa Libon, Albay noong 2022.

Nadakip ang suspek na si Joefry Mari sa Paracale, Camarines Norte, habang ang misis naman nito nasi Vilma ay nahanap sa Imus, Cavite nitong Huwebes.

Patungo sa isang minahan si Joefry nang mahuli ito ng mga awtoridad.

Ayon kay CIDG Albay chief Police Lieutenant Colonel Joseph Marribay, parte ng Concepcion Criminal Gang ang dalawang suspek.

Ang Concepcion group ay pinamunuan ni Gilbert Concepcion, na namatay sa engkwentro ng pulisya noong Enero matapos siyang tangkaing arestuhin sa Maynila.