2 miyembro ng ‘Luffy’ gang napa-deport na sa Japan

Napabalik na sa bansang Japan ang dalawang Hapon na miyembro umano ng kilabot na 'Luffy' gang, ayon sa Bureau of Immigation (BI).

Napabalik na sa bansang Japan ang dalawang Hapon na miyembro umano ng kilabot na ‘Luffy’ gang, ayon sa Bureau of Immigation (BI).

Sina Sugano Kazushi at Shimoeda Saito ay halos limang taon nang nagtatago sa Pilipinas.

Ang dalawa ay wanted sa Japan dahil sa kaugnayan nila sa malakihang telecom fraud. Bukod dito, miyembro pa umano sila ng ‘Luffy’ gang na sangkot sa ilang kaso ng karahasan sa Japan.

Pebrero 2023 nang inalerto ng Japan ang Pilipinas hinggil sa pagtatago ng dalawang kriminal.

Ikinatuwa naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang pagkakahuli sa dalawa.

“Their deportation is a significant achievement in our efforts to disrupt criminal networks victimizing unsuspecting individuals,” aniya. “This successful deportation is a testament to the collaborative partnership and good relationship between the Philippines and Japan. We will not allow our country to be used as a hiding ground for criminals and syndicates.”