2 lugar sa Samar positibo sa red tide

Nagpositibo sa red tide ang dalawang bayan sa lalawigan ng Samar, ayon sa ulat Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong Biyernes.

Nagpositibo sa red tide ang dalawang bayan sa lalawigan ng Samar, ayon sa ulat Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong Biyernes.

Sinabi ng BFAR, ito ay dahil umano sa sa pagbabago sa klima.

Kabilang sa mga nagpostibo ay ang bayan ng San Pedro Bay sa Samar at sa Matarinao Bay sa Eastern Samar.

Dahil dito, nagbigay ng babala ang BFAR na umiwas sa pagkain ng anumang uri ng shellfish.

“The presence of toxic red tide is beyond the regulatory limit. All types of shellfish and alamang gathered from these areas are not safe for human consumption,” ani BFAR.

Samantala, ang mga isda pusit, hipon, at alimango ay ligtas kainin basta’t sariwa, hinugasang mabuti, at tinanggalan ng mga ng mga lamang loob.