2 Kongresista umalma sa bintang na binu-bully nila ang Senado

Ang pagtatalo sa isang isyu ay bahagi ng “functioning democracy” at dapat ay bukas sa debate ang mga senador at hindi napipikon.

Inalmahan ng dalawang kongresista ang bintang na binu-bully nila ang Senado.

Sa isang press conference, sinabi ni House Deputy Speaker David Suarez na nagkataon lang aniya na mas nagsasalita at agresibo sa diskusyon ang mga mambabatas dahil ang usapin sa pag-amyenda ng economic provisions ng Konstitusyon ay malapit sa kanilang puso.

“The House has always been open to discussions with our counterparts in the Senate, especially with what we’ve seen, what we’ve heard, in the last few weeks. But I think it should not be taken or misunderstood,” ayon kay Suarez.

Iginiit pa nito na hindi totoo ang akusasyon sa kanila, “I read somewhere that we’re bullying the Senate. No, not at all, we’re not bullying the Senate, I think what the Senate is realizing now is we have a House of Representatives that is more vocal.”

Ayon naman kay Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang pagtatalo sa isang isyu ay bahagi ng “functioning democracy.”

Dapat aniya ay bukas sa debate ang mga senador at hindi napipikon.

Sa halip, sinabi ni Quimbo na dapat ay inaapura ng Mataas na Kapulungan ang pagpasa sa RBH 6 upang magawa nila ang kanilang trabaho sa Kamara, “Let them speed up the passage of RBH 6 so that we in the House can do our work and we can fix the Constitution,”