2 dentention facility itatayo ng BI para sa pasaway na mga dayuhan!

Nakatakdang palawakin at pagandahin ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga detention facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Nakatakdang palawakin at pagandahin ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga detention facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na ang pagpapalawak ay isasagawa upang gawing mas maayos ang kalagayan ng mga dayuhang nakakulong na naghihintay ng deportasyon.

Aniya, magtatayo ng dalawang bagong gusali na may tatlong palapag ang BI, kung saan papalitan nito ang kasalukuyang gusali na may isang palapag.

“We will expand the area. We are also looking at having a new area, a new facility pero di pa ako pwede magsalita dyan kasi wala pang finality. Sure tayo, it’s in the pipeline already by this year and next year,” pahayag nito sa weekly Kapihan sa Manila Bay forum.

Sa kasalukuyan, halos 300 na mga detainee na ang nananatili sa loob ng pasilidad, kahit na may kakayahan lamang ito para sa higit sa 100 tao.

Samantala, wala pa umanong eksaktong badyet ang bureau para sa pagtatayo ng bagong pasilidad.