2 barko ng China, umalis na sa Benham Rise – Navy

Nakalabas na umano ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang dalawang barko ng China na namataang gumagala sa Benham Rise.

Nakalabas na umano ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang dalawang barko ng China na namataang gumagala sa Benham Rise.

Ito ang tiniyak ni Philippine Navy spokesperson Commodore Roy Vincent Trinidad sa panayam ng Super Radyo dzBB ngayong Linggo.

“Maga-attempt sila ulit ngayon. Bagamat kahapon ay na-monitor naman na ito’y nasa labas na ng ating EEZ, as of yesterday, alas 3 ng hapon,” wika ni Trinidad.

Ang opisyal ng United States Air Force na si Ray Powell ang naglantad ng ilegal na pag-iikot ng dalawang barko ng China sa Benham Rise. Huli umanong namataan ang mga barko noong Marso 1.

Kaugnay ng ulat, magsasagawa umano ang Navy ng surveillance mission sa lugar upang malaman kung anong klaseng mga barko ang naglibot sa karagatang sakop ng bansa.

“‘Yung ating presence hindi pa natin naaabot ‘yan sapagkat mas malayo ito at mas remote sa karagatan compared sa West Philippine Sea na detachment natin,” paliwanag ni Trinidad.

Batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang Benham Rise ay malinaw na sakop ng Pilipinas.