2 aso pinutulan ng tenga sa Albay

Pinutulan ng tainga ang dalawang shih tzu sa Legazpi City, Albay ng isang hinihinalang magnanakaw.

Pinutulan ng tainga ang dalawang shih tzu sa Legazpi City, Albay ng isang hinihinalang magnanakaw.

Kwento ng may-ari na si Maris Aguilar, galing silang labas at pagkauwi nila ay nakita nila ang dalawang alaga na duguan at nanghihina.

Nang kanilang tignan ang kalagayan ay napansin nila na nawawala na ang isang tainga ng isa nilang aso na si Luna, habang dalawang tainga naman ang nawawala sa alagang si Bonbon.

Agad naman binigyan ni Aguilar ng paunang lunas ang mga aso.

Sa ngayon, kumakalap pa ng ebidensya si Aguilar upang mai-report sa awtoridad ang pangyayari.

Aniya, maaaring may nagtangkang magnakaw sa kanilang bahay sapagkat nag-iwan umano ito ng mga bakas na putol na kahoy at buhangin sa kanilang bubong.