2, arestado sa iligal na pagtotroso sa Bacacay

Kasama sa mga arestadong suspek ang isang 76-anyos na lalaki na walang maipakitang dokumento sa kanyang chainsaw at mga trosong natagpuan sa kanyang tirahan.

ALBAY – Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki matapos na maaktuhang nagpuputol ng puno ng Narra sa Barangay Sogod, Bacacay, Albay, alas-9:30 ng umaga nitong Martes, September 19, 2023.

Kinilala ang dalawang suspek na sila Jose Berdin Bernarte, 76-anyos ng Barangay San Jose, Malilipot, Albay at 23-anyos na si Jonathan Astolabio ng Barangay Hindi, Bacacay, Albay.

Ayon kay Police Executive M/Sgt. Reynante Vanzuela ng Bacacay PNP, isang concern citizen ang nagbigay- alam sa kanila ng impormasyon ukol sa ginigawang illegal logging ng dalawang suspect.

Dahil walang naipresentang dokumento, kinumpiska sa mga ito ang isang chainsaw at mga troso. Paglabag sa Section 77 ng PD 705 at Section 7 ng RA 9175 o Chainsaw Act of 2002 ang kakaharaping asunto ng mga suspek.