1st rock climbing fest sa Albay, aarangkada na!

Suportado ng Provincial Tourism Culture and Arts Office (PTCAO) ng Albay ang inoorganisang kauna-unahang rock climbing festival sa probinsya.

Suportado ng Provincial Tourism Culture and Arts Office (PTCAO) ng Albay ang inoorganisang kauna-unahang rock climbing festival sa probinsya.

Ayon kay Albay tourism chief Dorothy Colle, ang proposed Mataas Crag Rock Climbing Festival ay inaasahang palalakasin ang local tourism pati ang pagpapaunlad ng kanilang ekonomiya.

Plano na gawin na itong regular na eco-tourism project sa Mataas Island, na target ilunsad sa Abril.

“Bako lang siya para sa sarong activity, for aiming for sustainability, for tourism income, maganda itong maging community-based tourism activity, yung kahit wala tayong masyadong intervention ay magiging self-sustaining siya,” ayon kay Colle.

Nananawagan naman si Colle ng suporta sa municipal government at mga organizer para masiguro ang kaligtasan ng mga lalahok sa rock-climbing festival.

Sa kabila nito, prayoridad pa rin ng tourism chief na hindi maapektuhan at ma-preserba ang biodiversity sa isla ng Mataas.