19 katao nalunod sa Semana Santa – PNP

Abot sa 19 na katao ang nasawi dahil sa pagkalunod nitong Semana Santa.

Abot sa 19 na katao ang nasawi dahil sa pagkalunod nitong Semana Santa.

Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), mula Lunes Santo hanggang umaga ng Sabado de Gloria ay nakapagtala ng drowning incident sa ilang rehiyon tulad ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Eastern at Western Visayas, Davao at CARAGA.

Pinakamaraming nalunod sa Calabarzon kung saan pitong katao ang nasawi.

Sa kabuuang bilang ng mga nalunod, walo dito ang ang menor de edad.

Abot sa 7,000 kapulisan ang pinakalat ng PNP para magbantay sa mga tourist spot tulad ng resort para matiyak ang kaligtasan ng mga bakasiyonista ngayong Semana Santa.