19 Davao police sibak!

Sibak sa puwesto ang 19 police station commanders sa Davao City.

Sibak sa puwesto ang 19 police station commanders sa Davao City.

Ayon kay Police Regional Office-Davao (PRO-11) Spokesperson, Major Catherine Dela Rey, epektibo ang pagkasibak ng 19 commanders noong Hulyo 8.

Itatalaga aniya ang 19 opisyal sa ibat ibang tanggapan ng PRO-10.

Paliwanag ni Dela Rey, bahagi ng trabaho ang pagkakalipat ng puwesto.

Sinabi pa ni Dela Rey na ang pagkakasibak ng mga opisyal ay wala namang kinalaman sa paghahain ng arrest warrants laban kay Pastor Apollo Quiboloy noong Hunyo 10, 2024.

Tiniyak naman ni Dela Rey na mananatili ang peace and order sa lugar.