18 lugar, makakaranas ng dangerous level na heat index ngayong Huwebes

Nasa 18 lugar sa bansa ang makakaramdam ng dangerous level na heat index ngayong Huwebes, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nasa 18 lugar sa bansa ang makakaramdam ng dangerous level na heat index ngayong Huwebes, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang pinakamainit na heat index ay 45°C, na mararanasan ng mga taga-Aborlan. Palawan.

Samantala, 44°C naman ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan; Puerto Princesa City, Palawan; at Catarman, Northern Samar.

Ang heat index naman sa Tuguegarao City, Cagayan; Echague, Isabela; Ambulong, Tanauan, Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Iloilo City; Dumangas, Iloilo; at Guiuan, Eastern Samar ay papalo sa 43°C.

Ang mga nakatira naman sa Bactonan, La Union; Aparri, Cagayan; Sangley Point, Cavite; Coron, Palawan; Virac, Catanduanes; at Roxas City, Capiz ay makakaramdam ng heat index na 42°C.

Sa dangerous level na heat index, malaki ang posibilidad na ang sinumang mabababad dito ay makakaranas ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.

Kaya naman, patuloy ang bilin ng PAGASA na bawasan ang oras sa labas at uminom ng maraming tubig.