17 naabo sa salpukan ng van, truck sa Cotabato

Umabot na sa 17 ang nasawi sa nangyaring salpukan ng isang passenger van at dump truck sa Antipas, Cotabato nitong Lunes.

Umabot na sa 17 ang nasawi sa nangyaring salpukan ng isang passenger van at dump truck sa Antipas, Cotabato nitong Lunes.

Kabilang sa nasawi ay ang driver ng van na si Nonoy Bundo, pati ang mag-ina na sina Sherly at Coco Pojas.

Namatay din ang isang school principal na si Perseveranda Balolong at mister nitong si Ernesto.

Samantala, ginagamot pa sa ospital ang driver ng truck na si Edwin Dumapias Nasiad.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa Antipas, nagkasalubong ang van at dump truck na may kargang buhangin.

Dahil sa impact ay nasunog ang van na nakaladkad ng truck, dahilan para masunog ang mga nasawi.

Lumabas din sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang dump truck dahilan para maararo ang van.

Dinala na sa punerarya ang mga nasawi, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ibang biktima.