16 undocumented Indians, huli sa iligal na 5-6 lending racket

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 16 Indian nationals sa Antique at Iloilo dahil sa pagtatrabaho sa bansa nang walang kaukulang permit at sa pagiging undocumented aliens.

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang 16 Indian nationals sa Antique at Iloilo dahil sa pagtatrabaho sa bansa nang walang kaukulang permit at sa pagiging undocumented aliens.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Norman tansingco na ang mga Indians ay nahuli sa serye ng operasyon na ginawa ng BI Intelligence Division sa Western Visayas Noong Pebrero 22.

Ayon kay Tansingco, ginawa ang mga operasyon matapos makakuha ng impormasyon hinggil sa pagtaas ng Indian nationals sa Iloilo kung saan marami ring nagreklamo na naging biktima ng kanilang iligal na 5-6 lending racket.

Dagdag pa ng opisyal, hudyat ang serye ng operasyon na ito ng pinalakas na kampanya kontra illegal aliens sa labas ng Metro manila.

“We are intensifying our crackdown against illegal aliens throughout the country, including those who live in the far-flung areas and make a living by engaging in illegal lending activities that prey on our poor countrymen,” ani Tansingco.

Sampu sa mga nahuli ay mula sa Arevalo at Savana, Ilolo habang ang anim ay mula sa San jose, Antique.

Matapos maaresto, ang mga illegal aliens ay dinala sa piitan ng BI sa Camp Bagong Diwa sa Taguig habang gumugulong ang kanilang deportation.