156 huling foreign nat’l sa Porac POGO, ipadeport! — POACC

Balak ipatapon pabalik sa kani-kanilang bansa ang nasa 156 nahuling foreign nationals ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Ayon sa inisyung memorandum nitong Martes ni executive secretary Lucas Bersamin, inutos ng PAOCC sa Bureau of Immigration na ipadeport ang mga trabahador ng Lucky South 99 Corp at i-blacklist sa muling pagpasok sa bansa.

Dagdag sa memorandum ang pag-freeze ng Anti-Money Laundering Council sa mga assests ng Lucky South 99 Corp sa 46 buildings nito sa lugar.

Samantala, mula sa 156 na mga nahuling foreign nationals, 126 ay mga intsik habang ang ilan ay mga Vietnamese, Malaysian, Myanmar, at Korean.