15-anyos nakapatay gamit sumpak sa Sorsogon

Todas ang isang lalaki sa Maharlika Highway, Brgy, Buhatan, Sorsogon matapos itong barilin gamit ang isang sumpak nitong Huwebes.

Todas ang isang lalaki sa Maharlika Highway, Brgy, Buhatan, Sorsogon matapos itong barilin gamit ang isang sumpak nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Salvador Oribiana Balase Jr, 18-anyos.

Nagtamo ito ng tama sa dibdib na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Agad na tumakas ang suspek na isang 15-anyos patungong Brgy. Abuyog, Sorsogon.

Kinabukasan ay sumuko rin ang menor de edad na suspek, na lumabas sa imbestigasyon ay nagkapinunan lang ang dalawa dahil sa sumbrero.

Nasa kustodiya na ng Sorsogon City Police Station ang mga suspek sa pamamaril.