14 bansa nagpakita interes sa Balikatan

Hindi bababa sa 14 bansa ang nagpakita ng hangarin na sumali sa military exercise na "Balikatan," sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya.

Hindi bababa sa 14 bansa ang nagpakita ng hangarin na sumali sa military exercise na “Balikatan,” sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya.

Ang pagsasagawa ng Balikatan, kasama ang militar ng Estados Unidos, ay upang mapabuti ang diskarte at pamamaraan ng militar sa pagprotekta sa interes ng Pilipinas..

Kabilang din sa pagsasanay ang paggawa ng humanitarian civic assistance projects upang mapaunlad ang imprastruktura at medical response ng bansa.

“Dati po iyong Balikatan, ilang libo lang iyan kasama, iyong Amerika. Ngayon libu-libo na at ang observer natin, 14. Ganoon kadami iyong mga bansa na hindi lang salita, gawa na ngayon. Nagpapadala sila ng tropa mula sa bansa nila,” ani Malaya.

Aniya, ang suporta ng iba’t ibang bansa ay dahil sa malinaw na paninindigan ng Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). Ngunit nilinaw ni Malaya na ang pagtanggap ng Pinas sa alyansa mula sa iba’t ibang bansa ay hindi para magdulot ng digmaan.

“We are exhausting all diplomatic options to resolve this issue. We wish a constructive dialogue with the People’s Republic of China. But defending, improving our defenses and improving the capacity of our forces through exercises and joint patrols do not mean that we are going to war,” pahayag nito.

“We have no intention of precipitating any form of war with anyone,” dagdag pa ni Malaya.