14 ambulansya, pinamudmod sa Bicol Region

Namahagi ang Department of Health (DOH) Region 5 ng 14 na ambulansya na piling ospital at Rural Health Unit (RHU) sa Bicol Region nitong Abril 15.

Namahagi ang Department of Health (DOH) Region 5 ng 14 na ambulansya na piling ospital at Rural Health Unit (RHU) sa Bicol Region nitong Abril 15.

Ayon sa ulat, nagkakahalaga ng P1.9 milyon ang bawat isang ambulansya.

Kumpleto na umano ang mga kagamitan sa loob nito gaya ng defibrillator, na magagamit sa pagsasalba ng buhay.

Ang pamamahagi ng ambulansya ay naging posible sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program ng DOH-Bicol.

Sa darating na Mayo ay muling mamamahagi ng ambulansya ang ahensya sa iba pang mga lugar sa Bicol Region.