13K Bicolano makikinabang sa Ako Bicol health caravan

Patuloy ang pagtulong ng Ako Bicol Party-list sa libu-libong residente sa Bicol region sa pamamagitan ng “Tarabangan Caravan”.

Patuloy ang pagtulong ng Ako Bicol Party-list sa libu-libong residente sa Bicol region sa pamamagitan ng “Tarabangan Caravan”.

Ang naturang aktibidad ay proyekto ng Ako Bicol na naglalayong masigurong maayos ang kalusugan ng mga Bikolano sa nilulunsad na free medical at dental mission.

Inaasahan na 13,000 na residente ang makinabang sa health caravan ng Ako Bicol.

Ayon kay Ako Bicol media relations office Sally Luces, ang “Tarabangan Caravan” ay ginawa para ilapit sa taumbayan sa malalayong lugar ang mga medical services na prayoridad ng gobyerno.

“This is a priority program of the Ako-Bicol Party-List led by Rep. Elizaldy Co giving the services of the government closer to the people, particularly those who are in far-flung areas in the region,” ayon kay Luces.

Bukod sa medical service, magkakaroon din ng libreng gupit, masahe, livelihood assistance, at job fair sa caravan na inorganisa ng Ako Bicol.

“Bicolanos can hope that the Ako Bicol Party-List will further expand this program so that more people can be reached and given medical services. The caravan proves that reaching out and helping those in need, especially in remote areas, is possible and effective in improving the health and livelihood of the community,” ayon kay Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co.