131 ‘rogue cops’, sinibak! – PNP

Sinibak na sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang 131 nitong tauhan matapos madawit sa iba’t ibang iligal na gawin.

Sinibak na sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang 131 nitong tauhan matapos madawit sa iba’t ibang iligal na gawin.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na ang mga pulis na ito ay nadismiss mula January 1 hanggang February 14 ng kasalukuyang taon.

Ilan sa mga kaso ng mga pasaway na pulis ay robbery, illegal drugs, obstruction of justice, at conduct unbecoming of police officer.

Ayon kay Fajardo, 62 sa mga pasaway na pulis ay nag AWOL o absent without official leave.