13 Vietnamese timbog sa ilegal na health spa

Kalaboso ang 13 katao mula Vietnam matapos madiskubre ng Bureau of Immigration (BI) ang ilegal nilang pagpapatakbo ng health spa at clinic sa Metro Manila.

Kalaboso ang 13 katao mula Vietnam matapos madiskubre ng Bureau of Immigration (BI) ang ilegal nilang pagpapatakbo ng health spa at clinic sa Metro Manila.

Ayon sa ulat ng BI, naaresto ang 13 Vietnamese sa magkakahiwalay na operasyon sa Makati, Parañaque, at Pasay nitong Pebrero 29.

Wala umanong naipakita na kaukulang dokumento ang mga dayuhan. Isa lamang sa kanila ang nakapagpresenta ng visa, ngunit ang kanyang pinagtatrabauhan ay taliwas sa nakasaad sa naturang dokumento.

“The audacity of these illegal aliens to be running their in the middle of the Metro,” pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco. “We received intelligence information about their presence and activities, hence I immediately ordered their arrest.”

Naka-detain ang mga suspek sa pasilidad ng BI sa Taguig. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940 at nahaharap sa pagka-deport.