13 lugar nakaramdam ng matinding init ngayong Lunes

Idineklarang nasa "danger" ngayong Lunes ang 13 na lugar dahil sa matinding init na dala ng El Niño.

Idineklarang nasa “danger” ngayong Lunes ang 13 na lugar dahil sa matinding init na dala ng El Niño.

Ayon sa PAGASA, nakapagtala ang Pangasinan ng pinakamainit na heat index na nasa 45 degree Celcius.

Nasa 44 degree Celcius naman sa Puerto Princesa City, Palawan, habang nasa 43 degree Celcius ang sa Aparri, Cagayan.

Samantala nasa 42 degree Celcius naman sa NAIA Pasay City sa Metro Manila, Laoag City sa Ilocos Norte, Tuguegarao City sa Cagayan, ISU Echague sa Isabela, Clark Airport (DMIA) sa Pampanga, Aborlan sa Palawan, Virac (Synop) sa Catanduanes, Masbate City sa Masbate, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur, at Cotabato City at Maguindanao.

Dahil dito nagpaalala ang ahensya na umiwas sa mabibigat na aktibidad, uminom ng tubig, at magsuot ng komportableng damit upang makaiwas sa mga sakit sa init gaya ng hear stroke.