12K Pinoy namamatay sa road accidents kada taon – DOH

Sa paggunita ng Department of Health (DOH) ng Road Safety Month, ibinunyag ni Health spokesperson Albert Domingo na taon-taon, humihigit sa 12,000 na Pilipino ang nagiging biktima ng aksidente sa kalsada.

Sa paggunita ng Department of Health (DOH) ng Road Safety Month, ibinunyag ni Health spokesperson Albert Domingo na taon-taon, humihigit sa 12,000 na Pilipino ang nagiging biktima ng aksidente sa kalsada.

“Every year, on average, nasa mga 12,000… na Pilipino ang namamatay dahil sa banggaan, dahil sa pagtawid na nasasagasaan, at ang gumagamit ng motorsiklo, bisikleta, at pati ‘yung mga sumasakay sa tricycle,” pahayag ni Domingo sa Bagong Pilipinas Briefing.

Tumaas ang bilang ng mga namatay sa road traffic mula 7,938 noong 2011 hanggang 11,096, kung saan 84% ay mga kalalakihan.

Nasa ikawalong pwesto naman ang road traffic injuries sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa buong mundo.

“Ang DOH, ang pananaw niya is mag-improve, gumanda yung ating awareness, understanding, at yung attitude ng ating mga kababayan tungo sa road safety,” dagdag ni Domingo.

Payo rin niya na maglakad na lang kung malapit lang ang pupuntahan at may sapat na lilim.

Layunin ng DOH na bawasan ng 35% ang bilang ng road traffic deaths sa pagsapit ng 2028 sa pamamagitan ng Philippine Road Safety Action Plan at Inter-Agency Technical Working group on active transport.