12K PDLs napalaya; mga kulungan sa bansa mas lumuwag na — DOJ

Bumaba ng 239% ang congestion rate sa mga kulungan dahil sa napalayang mahigit kumulang 12,000 persons deprived of liberty (PDL) mula 2022, ayon sa Department of Justice.

Bumaba ng 239% ang congestion rate sa mga kulungan dahil sa napalayang mahigit kumulang 12,000 persons deprived of liberty (PDL) mula 2022, ayon sa Department of Justice.

Saad ni Justice Undersecretary Jesse Andres, ito raw ay resulta ng pagreporma ng administrasyong Marcos sa proseso ng hustisya sa bansa.

“Congestion in prisons remains a challenge but since the change of administration in July 2022 up to March 2024, DOJ has caused the release of 11,940 persons deprived of liberty (PDLs) after a diligent review of their prison records. As of May 2024, overcrowding in prisons have been substantially reduced to 239 percent,” sabi ni Andres sa town hall meeting ng agensya sa Dasmariñas, Cavite.

Napalaya ang mga PDL sa tulong ng Public Attorneys Office.

Bagama’t hindi pa tuluyang nareresolba ang problema ng siksikan sa mga kulungan, iginiit naman ni Andres na mahalaga na napapababa ang mga numero habang marami naman ang natutulungan na mga PDL.

“Hindi pa po na-solve ngunit nasa tamang direksyon na po tayo. Hindi na po tayo pumapayag na may mahinang kaso na isampa sa korte para wala na po harassment, wala pong deprivation of liberty ng walang sapat na ebidensya,” dagdag niya.