126 preso pinakawalan sa Araw ng Kalayaan

Abot sa 126 persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya sakto sa Araw ng Kalayaan.

Abot sa 126 persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya sakto sa Araw ng Kalayaan.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), 61 sa pinakawalan ay galing sa maximum security camp, medium security camp at reception and diagnostic center ng New Bilibid Prison.

Ang iba naman ay nanggaling sa mga piitan sa Davao del Norte, Mandaluyong, Zamboanga, Leyte, Occidental Mindoro at Palawan.

72 sa mga pinalaya ay nasilbi ang kanilang buong sentensya, 31 ay na-acquit, 16 ang binigyan ng parole, anim ang ginawaran ng probation, at isa ang nakatanggap ng conditional pardon.

Abot na sa 14,324 PDL ang nakalaya sa ilalim ng Marcos administration.