125 sa isang linggo? Barko ng China sa WPS mas dumami!

Naitala ng Philippine Navy ang 125 na bilang ng Chinese ships na lumalayag sa mga katubigang pasok sa economic zone ng bansa.

Naitala ng Philippine Navy ang 125 na bilang ng Chinese ships na lumalayag sa mga katubigang pasok sa economic zone ng bansa.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the WPS Commodore Roy Vincent Trinidad, naitala ang bilang na ito mula May 28 hanggang June 3, na mas marami kumpara sa 122 na nai-report noong May 21 hanggang May 28.

Kabilang sa mga barkong ito ang: siyam na China Coast Guard Vessels (CCGVs), 11 People’s Liberation Army Navy (PLAN) ships, at 105 China Maritime Militia Vessels (CMMVs).

Naispatan ang mga barko sa mga lugar sa West Philippine Sea kung saan matunog ang sigalot ng agawan ng teritoryo sa pagitan ng Pilipinas, China at iba pang karatig bansa.