12 miyembro ng BIFF, napatumba sa Maguindanao

Napatay ng militar ang 11 hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) pati na ang isang itinuturong lider ng grupo noong Lunes sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Napatay ng militar ang 11 hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) pati na ang isang itinuturong lider ng grupo noong Lunes sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Ayon sa ulat ng 6th Infantry Division (6ID) ng Philippine Army, sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng kanilang panig at ng 15 miyembro ng BIFF dakong alas-7:30 ng umaga sa Sitio Pendililang, Barangay Kitango sa nasabing bayan.

Kinilala ang napatay na lider ng BIFF na si Mohiden Animbang o Karialan. Hawak umano ni Animbang ang Karialan Faction ng nabanggit na grupo.

Isa rin umano sa napatumba ng militar ang kanyang kapatid na si Saga Animbang.

Samantala, hindi pa inilalabas ng Army ang pagkakakilanlan ng 10 pang nasawi sa engkwentro.

Sa kabilang dako, pito ang nasugatan sa panig ng mga sundalo.