12 ‘Doctor to the Barrios’ magseserbisyo sa Bicol

Magsisilbi sa Bicol ang 12 doktor na naka-graduate sa pamamagitan ng 'Doctors to the Barrios' program.

Magsisilbi sa Bicol ang 12 doktor na naka-graduate sa pamamagitan ng ‘Doctors to the Barrios’ program.

Ang mga nasabing doktor ay naka-graduate bilang scholar ng Department of Health (DOH).

Maglilingkod ang mga doktor sa ilang bayan sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon.

Dahil sa mga bagong ‘Doctors to the Barrios’ graduate, abot na sa 38 ang nagsisilbing doktor sa Bicol region na nagmula sa naturang programa.

Ang programang Doctors to the Barrios ay binuo noon pang 1993 para mapunan ang kakulangan ng mga healthcare professional sa mga rural area.