11 Pinoy seaman na nameligro sa Yemen, inayudahan ng P20K

Nakabalik na sa Pilipinas ang 11 Pinoy seaman na parte ng crew ng barko na natamaan ng missile mula sa rebeldeng grupo na Houthi.

Nakabalik na sa Pilipinas ang 11 Pinoy seaman na parte ng crew ng barko na natamaan ng missile mula sa rebeldeng grupo na Houthi.

Nitong Martes ng gabi dumating ang mga Pinoy na na-rescue ng mga naval ship mula sa Amerika at India matapos silang mameligro sa Yemen.

Sakay ang mga Pinoy ng barkong M/V True Confidence mula Barbados. Sa nangyaring missile attack, dalawang Pinoy ang nasawi at hindi pa narerekober ang kanilang mga labi.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Romel Lopez, bibigyan ng financial assistance na P20,000 ang mga nakaligtas na Pinoy.

Samantala, inabutan ng paunang tulong na P10,000 ang ina ng isa sa nasawing Pinoy sa Yemen. Siniguro ng DSWD na matutulungan din ang pamilya ng isa pang pumanaw na Pinoy.

“The DSWD expresses its heartfelt condolences to the families of the two Filipino seafarers who perished in the tragic incident,” ayon kay Lopez.