11 patay sa salpukan ng pickup truck, bus sa Cagayan

Patay ang 11 katao habang sugatan ang iba pa matapos magsalpukan ang isang pickup at isang pampasaherong bus sa Abulug, Cagayan.

Patay ang 11 katao habang sugatan ang iba pa matapos magsalpukan ang isang pickup at isang pampasaherong bus sa Abulug, Cagayan.

Ayon sa Philippine National Police, sakay ng pickup ang 11 nasawi at kagagaling lamang sa lamay ng kanilang kamag-anak.

Sugatan naman ang drayber, konduktor at ibang pasahero ng bus.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinalpok ng bus ang pickup sa isang intersection sa Ayaga Junction sa Barangay Lucban.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP kaugnay sa aksidente.