11 lugar nanganganib sa matinding init – PAGASA

Papalo umano sa 'danger' level ang heat index sa 11 lugar sa bansa ngayong Sabado, batay sa pagtatala ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Papalo umano sa ‘danger’ level ang heat index sa 11 lugar sa bansa ngayong Sabado, batay sa pagtatala ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ayon sa Pagasa, aabot sa 44°C ang heat index sa Puerto Princesa City, Palawan; Aborlan, Palawan at Roxas City, Capiz.

Ang NAIA sa Pasay City; San Jose, Occidental Mindoro; Iloilo City; at Dumangas, Iloilo naman ay makakaranas ng heat index na 43°C.

Samantala, 42°C na heat index ang mararamdaman sa Iba, Zambales; Alabat, Quezon; Calapan, Oriental Mindoro; at Mambusao, Capiz.

Dagdag pa ng ahensya ang ‘danger’ level na heat index ay pwedeng magresulta sa heat cramps, exhaustion, at maging heat stroke.