11 backhoes, pinamigay sa LGUs bilang paghahanda sa La Niña

Namigay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng 11 backhoes-on-barge sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila at kalapit-probinsya bilang paghahanda sa epekto ng La Niña phenomenon.

Sinabi ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na ang donasyon ng kagamitan ay bunga ng kanilang pakikipagtulungan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na linisin ang mga ilog at daanan ng tubig patungo sa Manila Bay.

Ang 11 units ng backhoes-on-barge ay ipinagkaloob sa Malabon, Marikina, Muntinlupa, Pasay, Pasig, Pateros, Quezon City, Taguig, San Fernando sa Pampanga, Obando, at Bacoor.