100K ex-rebels sasali sa amnesty program ni PBBM

Inaasahang aabot sa 100,000 dating rebelde, kabilang ang mga separatistang Muslim at komunistang insurgent, ang maghahain ng aplikasyon para sa amnesty proklamasyon na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong nakaraang taon, ayon sa National Amnesty Commission (NAC).

“Tentative po iyong numero na binigay sa amin. About 100,000 will avail,” mariing sinabi ni NAC Commissioner Nasser Marohomsalik.

Inaasahan rin nilang libu-libo ang mula sa MNLF (Moro National Liberation Front), pero hanggang ngayon ay wala pa silang eksaktong bilang.

Pinaniniwalaan ng NAC na ang karamihan sa mga aplikante sa amnesty ay manggagaling sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga kaliwa’t kaliwang grupo.

Ayon sa opisyal ng NAC, ang proseso ng amnesty ay sisimulan lamang matapos ang pagsang-ayon ng kongreso. Ayon sa kanya, sumang-ayon na ang House of Representatives sa proklamasyon ng Pangulo, ngunit noong Marso lamang ginawa ito ng Senado para sa mga proklamasyon ng amnesty para sa ABB (RPA-ABB), Kapatiran, MILF, at MNLF.

Mayroong apat na programa ng amnesty ang gobyerno na hiwalay na tumatalakay sa Alex Boncayao Brigade (RPA-ABB), mga dating rebelde ng CPP-NPA-NDF, Moro Islamic Liberation Front, at Moro National Liberation Front.