100 iPhone nanenok sa Laguna

Nanakawan ang isang tindahan ng cellphone sa Barangay Bulilan Norte, Pila, Laguna nitong Huwebes.

Nanakawan ang isang tindahan ng cellphone sa Barangay Bulilan Norte, Pila, Laguna nitong Huwebes.

Ayon sa ulat ng Laguna Police, isang 24-anyos na babaeng nagngangalang ‘Katrina’ ang dumulog sa kanilang tanggapan upang iulat na nanakawan ang kanilang tindahan.

Sa salaysay ni Katrina, apat na ‘di pa nakikilalang lalaki ang nagdeklara ng hold-up sa kanilang tindahan.

Nakuha ng mga suspek ang nasa 100 iba’t ibang unit ng iPhone bago umalis sakay ng mga motorsiklo.

Patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari.