100 bangka lalahok sa WPS civilian mission

Ilalarga sa Mayo 15 ang ikalawang civilian mission sa West Philippine Sea (WPS), kung saang 100 bangkang pangisda ang lalahok.

Ilalarga sa Mayo 15 ang ikalawang civilian mission sa West Philippine Sea (WPS), kung saang 100 bangkang pangisda ang lalahok.

Ayon sa Atin Ito Coalition, maglalagay sila ng mga marker o buoy sa Bajo de Masinloc sa naturang aktibidad.

“The primary objectives of the mission are to conduct a ‘peace and solidarity regatta’ within our EEZ, during which symbolic markers/buoys emblazoned with the rallying cry ‘WPS, Atin Ito!’ will be placed to reinforce our country’s territorial integrity,” pahayag ni Atin Ito co-convenor Rafaela David.

Sa Zambales ang starting point ng civilian mission. Bukod sa paglalagay ng mga buoy, magdadala rin sila ng mga pagkain sa mga mangingisdang pumapalaot sa lugar.

Para sa Atin Ito, ang aktibidad ay naglalayong maipakita na ang Pilipinas lamang ang nagmamay-ari sa WPS.

“In the face of adversity, we must stand firm in defending what is rightfully ours—nothing more, nothing less. Our sovereignty over the WPS is not negotiable,” saad ni Atin Ito co-convenor Edicio Dela Torres.

Disyembre 2023 nang ganapin ang unang civilian mission ng Atin Ito sa WPS.