10 years in the making! Bicol Loco Festival palalaguin turismo sa buong ‘Pinas

Matagumpay ang kauna-unahang Bicol Loco Festival na ginanap noong Mayo 3 hanggang 5 sa Albay sa pangunguna ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co.

Matagumpay ang kauna-unahang Bicol Loco Festival na ginanap noong Mayo 3 hanggang 5 sa Albay sa pangunguna ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co.

Abot sa 165,000 katao ang dumalo sa pista kung saan naging highlight ang hot air balloon at ganda ng Bicol pati ng Bulkang Mayon.

Isa nga sa sumuporta sa event ay si presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.

“I just want to congratulate all the organizers of the Bicol Loco Festival who have ensured that for the first time ever, there would be hot air balloons during the festival,” saad ni Sandro.

Dagdag pa niya, ang Bicol Loco Festival ay makatutulong para pagtibayin ang turismo hindi lamang sa Region V, kundi pati sa buong Pilipinas.

“I have no doubt that the festival would contribute not only to the province’s tourism, but in ensuring growth in national tourism and maybe even international tourists coming in to see the festival,” aniya pa.

Samantala, binahagi ni Co na umabot ng 10 taon ang paghahanda nila para sa Bicol Loco Festival.

“Ten years in the making po ang Bicol Loco Festival, but it was all worth it,” wika ni Co.

“Gaya po ng sinabi ni Ilocos Norte first district Congressman Sandro Marcos, festivities such as this will not only fuel domestic but also national tourism,” lahad pa ng mambabatas.