10 ‘Pinoy seafarers ng binombang barko sa Gulf of Aden, ligtas na!

Ligtas na ang 10 Pilipinong seafarers na sakay ng barko sa Gulf of Aden, ayon sa pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ligtas na ang 10 Pilipinong seafarers na sakay ng barko sa Gulf of Aden, ayon sa pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Malaking ginahawa umano ang balitang ito para sa mga pamilya ng seafarers at sa Pilipinas.

Malaki naman ang pasasalamat ni Romualdez sa international community, kasama na ang Indian Navy at mga awtoridad sa Djibouti, sa kanilang mabilis.

Bukod pa riyan ay pinuri rin nito si Presidente Bongbong Marcos, ang Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang mabilis na pagtugon at patuloy na pagbibigay ng tulong sa mga seafarers at kanilang mga pamilya.

“The collaboration between our government agencies and international partners showcases the strength and effectiveness of collective efforts in ensuring the safety of our citizens abroad,” ani Romualdez.

“To our brave seafarers, your safety is of utmost importance to us. We are deeply relieved that you are out of harm’s way and are now secure. The courage and strength you have shown in the face of danger are truly admirable, and you embody the resilient spirit of the Filipino people,” dagdag pa nito.