10 commandments bet ipaskil sa classrooms

Nagpanukala sa magiging kalihim ng Department of Education si CIBAC Party-list Rep. Bro Eddie Villanueva na maglagay ng kopya ng 10 Utos ng Diyos sa mga eskwelahan sa bansa.

Nagpanukala sa magiging kalihim ng Department of Education si CIBAC Party-list Rep. Bro Eddie Villanueva na maglagay ng kopya ng 10 Utos ng Diyos sa mga eskwelahan sa bansa.

Ayon kay Villanueva, ito raw ay para itaas ang moralidad ng mga Pilipinong mag-aaral.

“I will propose to the new DepEd Secretary the posting of the Ten Commandments in our schools in order to promote the spiritual and moral well-being of the Filipino youth as mandated by the Constitution,” sabi ng pastor at mambabatas.

“This is a fitting initiative for schools as complementary institution of the church in strengthening the moral fiber of our youth. I hope the incoming DepEd head will support it,” dagdag niya.

Naniniwala si Villanueva na madadala ng mga bata ang mga pangaral sa bibliya sa kanilang pagtanda.

“The Bible states in Proverbs 22:6 that when we teach our children in their prime years the foundational values that make God-centered and humane citizens, they will live out those lessons throughout their lifetime,” aniya.

Umaasa rin si Villanueva na maisasama sa kurikulum ng K-12 ang Good Manners and Right Conduct (GMRC).