1 tripulanteng Pinoy, patay sa Houthi attack!

Isang Pinoy na tripulante ng cargo ship ang naitalang nasawi mula sa pagsalakay ng rebeldeng Houthi noong nakaraang linggo, ayon sa U.S. White House nitong Lunes.

Isang Pinoy na tripulante ng cargo ship ang naitalang nasawi mula sa pagsalakay ng rebeldeng Houthi noong nakaraang linggo, ayon sa U.S. White House nitong Lunes.

Ayon kay National Security Council spokesman John Kirby, namatay ang Filipino seaman sa M/V Tutor, isang Liberian-flagged, Greek-owned ship at walang kinalaman sa nangyayaring giyera sa Gaza.

Ang Houthi rebels kasi ay parte ng teroristang Hamas sa Israel-Hamas war, na bumobomba sa mga shipping zone sa Red Sea at Golpo ng Aden simula pa noong November 2023.

Una nang nireport ng Department of Migrant Workers (DMW) na nawawala ang naturang Pinoy.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na statement ang Department of Foreign Affairs tungkol sa insidente.

Lulan ng M/V Tutor ang 21 iba pang Filipino seaman na nasagip at ligtas na mula sa pag-atake ng Houthi rebels.