1 sugatan nang magtangkang awatin ang nag-amok na suspek

Hindi nagustuhan ng suspek ang pag-awat sa kanya ng biktima kaya ito ang napagbuntuan ng galit, ayon sa pulis.

SORSOGON- Sugatan ang 22-anyos na si Carlos General Gobis ng Barangay Oberero, Bulan, Sorsogon matapos saksakin ng suspek na si Steward Hugo alas-10:35 ng gabi nitong Linggo, Setyembre 24, 2023 sa Barangay Managa-naga sa bayan ng Bulan.

Ayon kay Lt. Col. Virgil Bibat, hepe ng Bulan Municipal Police Station, sinubukan sana ng biktimang awating ang suspek sa ginagawang pag-aaburido, subalit hindi ito nagustuhan ng suspek kaya inundayan ng saksak ang biktima saka nagtago.

Isang tama ng saksak sa tiyan ang tinamo ng biktimang agad isinunod sa ospital.

Napag-alaman din na lango sa alak ang suspek.

Kasong Frustrated Homicide ang ihahabla laban sa suspek na patuloy na tinutugis ng awtoridad.