1 patay, 2 sugatan sa disgrasya sa Bacacay, Albay

Nabundol ng rider ang isang bystander, at sumalpok sa tricycle na kasalubong sa daan.

ALBAY – Dead on the spot ang isang motorista matapos na maaksidente sa minamaneho nitong motorsiklo sa Barangay Bonga, Bacacay, Albay alas-11:25 ng gabi nitong Sabado, October 7, 2023.

Sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), habang binabaybay ni Ryan Balitian ang lugar ng aksidente, nabangga nito ang isang by-stander na nauwi naman sa pagkaka-slide nito at pagkakabangga sa kasalubong na tricycle.

Patay si Balitian habang kritikal naman ang backride nitong si Alvin Jake Alondra, 21-anyos.

Sugatan naman ang nabanggang by-stander na kinilalang si Jose Ces Ciocson, 58-anyos ng Barangay Cawayan, Tiwi, Albay.

Lumalabas na suot ng mga biktima ang kanilang mga helmet.

Patuloy ding inaalam ng awtoridad kung nasa impluwensya ng alak si Balitian at Alondra.