$1-B investment pledge ng Amerika, hindi mapapako – US official

Tiniyak ni United States Secretary of Commerce Gina Raimondo na hindi pangakong mapapako ang higit $1 bilyon na investment pledge ng mga kompanya mula Amerika sa Pilipinas.

Tiniyak ni United States Secretary of Commerce Gina Raimondo na hindi pangakong mapapako ang higit $1 bilyon na investment pledge ng mga kompanya mula Amerika sa Pilipinas.

Si Raimondo ay bumisita sa Pilipinas nitong Marso 11 at 12 para sa Presidential Trade and Investment Mission (PTIM). Dito ay inihayag niya na may mga malalaking kompanya mula US ang nais mag-invest sa Pilipinas.

“These US companies are committed. They have signed agreements to move forward with the investments, including the creation of education and career opportunities,” wika ni Raimondo nitong Huwebes.

“So what I can tell you is that, some of America’s biggest, most successful companies—Google, Mastercard, Microsoft, Visa, United Airlines—they are committed to making these investments,” dugtong pa niya.

Pinuri din ni Raimondo ang dedikasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na baguhin ang sistema sa bansa upang makaakit ng mga banyagang kompanya.

“President Marcos was clear with us and has been clear with his actions that he is very forward-leaning towards the United States. He is also very committed to making the necessary changes in the regulatory structure, cutting red tape, being against corruption, being [a] transparent government,” dagdag pa ng US official.