1.3-M na tsikiting sa BARMM tuturukan ng anti-tigdas

Higit sa 1.3 milyon na bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang bibigyan na libreng bakuna kontra tigdas mula Abril 1 hanggang 12.

Higit sa 1.3 milyon na bata sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang bibigyan na libreng bakuna kontra tigdas mula Abril 1 hanggang 12.

Ang pagbabakuna ay pangungunahan ng Department of Health (DOH), UNICEF Philippines, World Health Organization, at ng BARMM Ministry of Health.

Mga bata mula edad anim na buwan hanggang 10 taong gulang ang target bakunahan.

Batay sa datos ng pamahalaan, 77% ng mga kaso ng tigdas sa bansa ay mula sa BARMM. Mula Enero 1 hanggang Marso 20 ng kasalukuyang taon ay pumalo na sa 592 ang mga kaso ng tigdas sa rehiyon.

“Children aged 6 to 59 months will receive one dose of vitamin A, while those with confirmed cases of measles will receive two. Vitamin A is a low- cost way to prevent complications from happening and boost immunity against other illnesses,” saad sa joint statement ng mga nabanggit na ahensya.