0 STAR! JoyRide rider kinuwestiyon kasarian ng pasahero

"Masaya ka sa ganyan? Masaya ka? Masaya ka? Sa maling pamumuhay?"- Driver

“Masaya ka sa ganyan? Masaya ka? Masaya ka? Sa maling pamumuhay?”- Driver

Nakaranas ng diskriminasyon isang mananakay ng ride-hailing app na JoyRide mula sa kanyang rider dahil aa kanyang sexual orientation.

Sa isang video na ipinost ni Kim Ezekiel sa TikTok, makikita kung paano siya kinwestyun ng driver tungkol sa kanyang kasarian at relihiyon habang paparating siya sa kanyang graduation ceremony.

“Masaya ka sa ganyan? Masaya ka? Masaya ka? Sa maling pamumuhay?” tanong ng driver.

Nagmistulang hindi komportable si Ezekiel sa mga katanungan at ang tanging sagot niya ay “Hindi po.”

Ipinagpatuloy ng driver ang kanyang pangaral ng kanyang relihiyosong paniniwala.

“Hindi ka pwedeng iligtas ng Diyos kung ayaw mo. Be honest lang. Binabalik kita sa normal,” sey ng driver

“I’m not condemning you. Ako’y walang karapatang humusga dahil kung alam mo lang ang buhay ko, masahol pa ako sa’yo,” pagpapatuloy niya.

“Hindi ka Niya pwedeng tanggapin. Kahit ako hindi ako pwedeng tanggapin kung ‘di ako aamin ng kasalanan ko,” diin ng driver kay Ezekiel

“Pero tandaan mo, ang buhay ay isa lang. Sa judgment day, kapag hindi ka tumalima kay Hesus, kasama ako,” dagdag niya.

Nanghihinayang ang mga netizen sa karanasan ni Ezekiel, na sinabi nilang walang sinuman ang dapat tratuhin ng ganoong paraan. Hinihikayat nila si Ezekiel na magsampa ng reklamo laban sa ride-sharing company.

PANOORIN:

@pvtoseko i booked a Joyride taxi kaninang umaga to attend and event kasi late na ako, and this happened. I'm kinda offended sa mga sinasabi nya, first is tinanong nya ako if I'm reading the bible and sabi ko "No po kasi muslim both parents ko" and he replied "e ikaw ano ka?" I'm really not sharing my real info sa ganong bagay kaya sabi ko "hindi ko po alam" and then eto na nangyare, pinagbasa nya rin ako ng bible even tho sinabi ko sakanya na my parents was muslim. #fyp ♬ original sound – IG:izzy.kiell